Home NATIONWIDE Mga simbahan lalahok sa paghahanda sa ika-500 anibersaryo ng Guadalupe apparitions

Mga simbahan lalahok sa paghahanda sa ika-500 anibersaryo ng Guadalupe apparitions

2
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na makikilahok ang mga lokal na simbahan sa 9-taong paghahanda para sa ika-500 anibersaryo ng pagpapakita ng Our Lady of Guadalupe sa 2031.

Bahagi ito ng Novena Intercontinental Guadalupe na na sinimulan ni Pope Francis noong Disyembre 12, 2022.

Bilang tugon sa imbitasyon ng mga Obispo ng Mexico noong 2025, nangako ang CBCP na isasama ang mga Guadalupe shrine sa Pilipinas sa global novena hanggang 2031 sa gabay ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines.

Para dito, maglilibot ang replica ng imahe ng Our Lady of Guadalupe at ni St. Juan Diego sa mga simbahan sa buong bansa mula Hunyo 13 hanggang Disyembre 12, 2026.

Bibigkasin din sa lahat ng Misa sa mga simbahang bibisitahin ang act of consecration at entrustment sa Mahal na Birhen.

Pinangalanan ni Cardinal Jose Advincula ang imaheng maglilibot bilang “Madre Peregrina de Guadalupe” – Birheng bumibisita, tulad ng pagbisita niya kay Santa Elizabeth. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here