Home NATIONWIDE Marcos sa SE Asian leaders: ‘Wag patay-malisya sa agresibong aksyon vs ASEAN...

Marcos sa SE Asian leaders: ‘Wag patay-malisya sa agresibong aksyon vs ASEAN member

232
0

VIENTIANE, Lao PDR- Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules ang mga pinuno ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) “not to turn a blind eye to the aggressive, coercive, and illegal actions of an external power against an ASEAN member state.”

Hindi binanggit ni Marcos Jr. ang anumang bansa, subalit ang ASEAN Summit ngayong taon ay kasunod ng ilang buwan ng pag-igting ng tensyon sa pagitan ng mga barko ng Beijing at ng mga mangingisdang Pilipino at Vietnamese.

“We call on all ASEAN member states not to turn a blind eye to the aggressive, coercive, and illegal actions of an external power against an ASEAN member state for such actions undermines their claims of genuine adherence to our core values,” ani Pangulong Marcos sa  kanyang interbensyon sa ASEAN Leaders Retreat.

“They run counter to one of ASEAN’s purposes: to unite the region as a bulwark against external threats and conflicts, and ensure that each ASEAN Member State can lead its national existence free from interference, subversion, and coercion,” dagdag niya.

“Silence in the face of these violations diminishes ASEAN,” giit pa ng Pangulo.

Inaangkin ng Beijing ang halos kabuuan ng South China Sea kabilang ang mga parteng inaangkin din ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei.

Noong 2016, pinaboran ng international arbitration tribunal sa Hague ang Pilipinas kaugnay ng pag-angkin ng China sa South China Sea, sinabing wala itong legal na basehan.

Patuloy naman ang pagbalewala ng China sa desisyong ito. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here