Home NATIONWIDE PH HEIs na swak sa 2025 Times Higher Education (THE) World University...

PH HEIs na swak sa 2025 Times Higher Education (THE) World University Rankings nadagdagan

MANILA, Philippines- Iniulat ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagdami ng globally-ranked Philippine higher education institutions (HEIs) sa ilalim ng 2025 Times Higher Education (THE) World University Rankings.

Sa isang kalatas, sinabi ni CHED Chairperson J. Prospero de Vera III na ang progreso ng bansa sa global rankings ay nagpapakita ng pagsisikap ng HEIs na umarangkada sa internasyonalisasyon.

“The fact that these HEIS are joining the list of the top universities, not just in THE rankings but also in the other international ranking bodies, shows the globalized outlook and competitiveness of our public and private universities,” ang sinabi ni de Vera.

Ayon sa World University Rankings, ang anim na Philippine HEIs ay kabilang sa ‘best universities’ ng bansa, mas mataas kaysa sa limang itinampok na HEIs noong nakaraang taon.

“Top for the third time among the globally ranked Philippine HEIs is the Ateneo de Manila University, which ranked 1001-1200, with an overall score of 30.7 to 34.4 for teaching, research environment, research quality, industry, and international outlook,” ayon sa ulat.

Sinundan ito ng University of the Philippines na may 1201-1500 ranking at iskor na 25.2 to 30.6; De La Salle University, Mapua University, Mindanao State University – Iligan Institute of Technology, at University of Santo Tomas, lahat ay may ranked na 1501+, na may iskor na 10.5 hanggang 25.1.

Mayroon namang 15 Philippine HEIs ang nakalista bilang “reporters” o universities na nagsumite ng data subalit hindi niranggo.

“The continuing annual increase in the number of Philippines HEIs that are subjecting themselves to international assessment and ranking is indeed outstanding,” ang sinabi ni De Vera.

Para sa overall ranking, ang University of Oxford mula United Kingdom ang nakakuha ng top rank na may overall score na 98.5, sinundan ng ibang HEIs sa Estados Unidos kabilang na ang Massachusetts Institute of Technology na may 98.1, Harvard University na may 97.7, Princeton University na may 97.5, at University of Cambridge mula United Kingdom na may 97.4.

Samantala, nangako naman si De Vera na ipagpapatuloy ang pagsisikap na isulong ang internationalization sa hanay ng HEIs sa bansa alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“The collective efforts of Philippine HEIs, assisted by CHED and the national government, are now showing results. Rest assured, we will continue accelerating internationalization, assist university-to-university linkages, and foster partnerships to bring more HEIs in international rankings,” ayon kay De Vera.

Samantala, sinabi ng CHED na nakapagtala ang Pilipinas sa 67.3% na pagtaas sa bilang ng HEIs na binigyan ng ranggo sa buong mundo, na may 87 HEIs globally ranked noong Hunyo, tumaas mula sa 52 HEIs ranked noong 2023. Kris Jose