Home METRO P7.3M HEA sa Sagay City, nawawala

P7.3M HEA sa Sagay City, nawawala

165
0

MANILA, Philippines- Hiniling ng health workers union na imbestigahan ang ulat na pagkawala ng P7.3 milyong health emergency allowance (HEA) para sa medical frontliners sa Sagay City, Negros Occidental na nagserbisyo noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Nanawagan din ang Alliance of Health Workers (AHW) ng masusi at agarang imbestigasyon hindi lamang sa Sagay City ngunit sa lahat ng pribado at local government hospitals kung saan sinasabing maaari ring may nangyaring parehong insidente.

Ayon sa grupo, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit karamihan sa kanilang mga kasamahan ay nagreklamong hindi pa natatanggap ang kanilang COVID-19 benefits sa kabila ng pahayag ng Department of Health (DOH) na 90 porsyento ng HEAs ay nabayaran na.

Noong Martes, inatasan ng Commission on Audit (COA) si Sagay City treasurer Juvy Pinongan na i-liquidate ang P22 milyong HEA para sa 276 eligible healthcare workers ng lungsod sa loob ng 30 araw o mahaharap sa kasong kriminal, ayon kay city administrator Ryan Bonghanoy.

Nagbaba ng inisyal na P22 milyon mula Aug.19 hangang Aug. 22 si Pinongan pero bigong mailabas ang natitirang P7.3 milyon.

Sinabi ni Pinongan na nakalimutan nito ang kombinasyon ng vault kung saan nakatago ang pera pero nang buksan ng COA representatives, natuklasan na walang laman ang vault noong Oct. 4

Inihahanda na ng Sagay City Legal Office ang affidavit complaint laban kay Pinongan sa Bureau of Local Government Finance kaugnay ng nawawalang P7.3 milyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here