Home NATIONWIDE Marcos, Suansing pinuri ni Speaker Dy sa matagumpay na deliberasyon ng 2026...

Marcos, Suansing pinuri ni Speaker Dy sa matagumpay na deliberasyon ng 2026 budget

252
0

MANILA, Philippines – Nagbigay ng espesyal na pagkilala si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III kina Majority Leader Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos at Committee on Appropriations Chairperson Nueva Ecija 1st district Rep. Mikaela Angela “Mika” Suansing dahil sa matagumpay na paggabay sa deliberasyon ng pambansang badyet hanggang sa ito ay matapos.

Sa kanyang pre-Christmas address sa plenary noong Lunes, Disyembre 22, pinuri ni Dy ang kanyang mga kapwa miyembro ng 20th Congress sa matagumpay na pagdaan sa isa na namang budget process.

“This budget is historic—not only because the process was transparent, but because the priorities were clear. It is a budget shaped by love for country, a deep understanding of our people’s realities, and genuine compassion for our kababayan,” ani Dy.

Ayon kay Dy, ang bersyon ng Kamara ng badyet ay may kongkretong benepisyo para sa mga Pilipino, lalo na sa edukasyon, kalusugan, at agrikultura na nakatanggap ng record allocations.

Binanggit niya na ang edukasyon ang nakakuha ng pinakamalaking pondo sa kasaysayan ng bansa, katumbas ng 4.1 porsiyento ng gross domestic product (GDP). Mahigit 25,000 classrooms ang itatayo o aayusin, at ibinalik ang buong pondo para sa Universal Access to Quality Tertiary Education program.

“This is not just an investment in education. This is an investment in the future of the Filipino nation,” ani Dy.

Para naman sa kalusugan, sinabi ni Dy na pinalalakas ng badyet ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at ang Medical Assistance to Individuals and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) upang masuportahan ang zero-balance billing para sa mahihirap na pasyente sa mga pampublikong ospital.

Dagdag pa ng House leader, tumaas din ang pondo sa agrikultura upang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng farm-to-market roads, irigasyon, mekanisasyon, crop insurance, at subsidies.

“Ang badyet na ito ay hindi lamang mga numero sa papel. Ito ay pagkain sa hapag, gamot sa ospital, at edukasyong magbubukas ng pinto sa mas maliwanag na bukas,” ani Dy.

Magbabalik-sesyon ang House of Representatives sa Disyembre 29 upang iratipika ang bicam report sa 2026 GAB. Pagkatapos nito, ipapadala ang panukalang badyet sa Malacañang para sa pirma ng Pangulo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here