Home METRO Marcos supporters nagtipon sa People Power MonumentMETRONATIONWIDETOP STORIES Marcos supporters nagtipon sa People Power MonumentDecember 8, 2024 08:26 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa People Power Monument sa EDSA, Quezon City.Dala ng mga ito ang pulang mga banner na may mensahe ng pagsuporta sa kanyang liderato.Ayon sa ulat, nagsimulang dumami ang mga tao sa lugar alas-10 ng umaga nitong Sabado, Disyembre 7.Anang mga dumalo sa pagtitipon, nais nilang ipakita sa Pangulo ang matibay nitong suporta sa kanyang administrasyon.Sa ulat ng Quezon City police, aabot sa 1,200 ang nagtungo sa People Power Monument pagsapit ng Sabado ng hapon.Dahil dito ay isinara sa mga motorista ang lang bahagi ng White Plains Avenue para sa kanilang programa.Hindi naman malinaw kung hanggang kalian magtatagal sa lugar ang mga taga-suporta ni Marcos. RNT/JGC