Home METRO 7 sasakyan inararo ng 18-wheeler truck sa Antipolo

7 sasakyan inararo ng 18-wheeler truck sa Antipolo

MANILA, Philippines – Inararo ng 18-wheeler truck ang pitong sasakyan sa Barangay Mambugan, Antipolo City nitong Sabado ng hapon, Disyembre 7.

Ayon sa ulat, ang trak ay bumibiyahe mula Quezon patungong Maynila nang mawalan umano ng preno sa pababang bahagi ng Sumulong Highway.

“Nag-lose brake itong truck. Sa Metro View pa lang daw, nag-attempt na siya magpreno, parang lumulusot na… May mga sasakyan sa gilid niya, lahat yun naano niya,” ayon sa isang pulis, sa panayam ng GMA News.

Iniwasan ng drayber ng trak na mabangga ang mga dumadaang sasakyan kung kaya’t ikinabig niya ito patungo sa gilid ng kalsada ngunit nabangga pa rin ang pitong sasakyan.

Tumalon naman mula sa trak ang assistant ng drayber.

Wala namang nasawi sa naturang insidente.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang drayber ng trak. RNT/JGC