Home HOME BANNER STORY Agam-agam ng pagka-stroke ni Romualdez, pinabulaanan

Agam-agam ng pagka-stroke ni Romualdez, pinabulaanan

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng opisina ni Speaker Martin Romualdez ang mga bali-balitang na-stroke at dinala sa ospital ang House Speaker.

Sa pahayag nitong Sabado, Disyembre 7, kinondena ng kampo ni Romualdez ang mga maling impormasyon, at sinabing ang pagpapakalat nito online ay upang “mislead the public and sow confusion.”

“Speaker Romualdez is in excellent health and continues to perform his duties with dedication and focus… These allegations are completely untrue and are clearly designed to mislead the public and sow confusion,” pahayag ni Head Executive Assistant of the Speaker’s Office Lemuel Erwin Romero.

Nilinaw pa ni Romero na dumalo si Romualdez sa ilang official engagements noong Disyembre 6, kabilang ang seremonya sa Malacañang Palace kung saan pumirma si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng dalawang bagong batas.

“The event was widely covered by the media, underscoring his active role in advancing these legislative measures,” ani Romero.

Hinimok niya ang publiko na magbasa lamang sa mga lehitimong source ng impormasyon at iwasan ang pagbabahagi ng mga maling impormasyon. RNT/JGC