Home ENTERTAINMENT Pagsasanib-pwersa nina Coco at Dong, inaabangan!

Pagsasanib-pwersa nina Coco at Dong, inaabangan!

1
0

Manila, Philippines – Nag-post si Marian Rivera sa Facebook page ng tatlong photos nina Dingdong Dantes at Coco Martin.

Marian’s caption reads: “Si Atoy at si Gabo para sa AKTOR–League of Filipino Actors.”

Atoy ang pangalan ni Dong sa The Master Cutter, at Gabo naman ang kay Coco sa Sigabo.

Nag-post din si Dingdong ng dalawang photos nila ni Coco sa Instagram.

Post ni Dong: “Magkaiba man ang programa, iisa lang ang layunin: pagmamahal at pagpapalakas ng ating industriya.”

Nagmiting pala sila’t nagkaroon ng masayang kuwentuhan at makabuluhang exchange of ideas.

Ito’y para pag-usapan ang isa na namang proyektong ilulunsad ng AKTOR sa ilalim ng panumuno ni Coco.

Nag-post din ang Facebook page ni Coco ng mga photos nila ni Dingdong.

Puring-puri ni Coco ang kapwa aktor, at nangakong nakasuporta sa nasabing grupo.

Si Iza Calzado ang kasalukuyang pangulo ng AKTOR with Dong as the founding chairman.

Masaya si Dong sa pakikilahok ni Coco sa grupo.

September 2025 nang magtagpo ang dalawang aktor sa tahanan ni Charo Santos-Concio.

“Exciting times ahead,” ani Charo sa kanyang post. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here