MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinagbigyan ng Pasig Regional Trial Court ang petisyon para sa status quo ante order na pansamantalang nagpapatigil sa pagpapatupad ng P85 na dagdag-sahod sa Metro Manila.
Ayon kay Labor Acting Secretary Francis Tolentino, igagalang at susundin ng DOLE ang utos ng korte kahit nalulungkot sila sa desisyon.
Naglabas ng kautusan si Pasig RTC Executive Judge Achilles Bunauitan na ibalik muna ang dating minimum wage rate bago ipinatupad ang bagong P85 kada araw na wage increase sa NCR na nakatakdang magsimula noong July 25, 2026.
Nilagdaan ang desisyon noong July 24, 2026, isang araw bago ang nakatakdang pagpapatupad ng wage order. RNT