Home HOME BANNER STORY Marcos, Trump magkakaroon ng bilateral meeting sa ASEAN Summit

Marcos, Trump magkakaroon ng bilateral meeting sa ASEAN Summit

1
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang magkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump sa pagdaraos ng ika-49 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Maynila.

Kinumpirma ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Dominic Xavier Imperial nitong Biyernes, Nobyembre 13, habang nagpapatuloy ang paghahanda para sa pagdating ng mga lider mula sa iba’t ibang bansa.

Inaasahang darating si Trump sa Pilipinas sa Nobyembre 17 upang dumalo sa ASEAN-United States Special Summit.

Bukod sa pakikipagpulong kay Trump, nakatakda rin si Marcos na magkaroon ng hiwalay na bilateral meetings sa iba pang mga lider na dadalo sa pagtitipon.

Ayon sa DFA, kabilang sa mahahalagang aktibidad sa Nobyembre 17 ang 29th ASEAN Plus Three Summit at 21st East Asia Summit na pangungunahan ni Marcos.

Isasagawa rin ang closing ceremony at pormal na paglilipat ng ASEAN chairmanship mula sa Pilipinas patungong Singapore.

Nakatakdang tapusin ang mga pagpupulong sa pamamagitan ng ASEAN-United States Special Summit na dadaluhan ni Trump.

Matatandaang huling nagkita nang personal sina Marcos at Trump sa White House sa Washington noong Hulyo 22, 2025, kung saan tinalakay ang kooperasyon sa kalakalan at seguridad.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na kumpletong agenda ng kanilang nakatakdang bilateral meeting sa Maynila. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here