Ganito maaaring ilarawan ang pagkakadamay nina Marian Rivera at Sarah Lahbati sa isyung sangkot ang dating magnobyong sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.
Tinawag kasing mga sumasawsaw sina Marian at Sarah to the point of being kunsintidora.
Eh, wala namang ipinost na mga comment ang dalawa!
As for Marian, pinadalhan lang niya ng bouquet of flowers si Kyline.
It came with a card na ang nakasulat ay: “With all my love, Ate Yan.”
Even way before the Kyline-Kobe breakup ay close na si Marian at ang kapwa Kapuso actress.
As for Sarah, finollow lang niya uli si Kyline sa Instagram.
With Marian and Sarah having done these, ano’ng masama doon?
Ibig bang sabihin ay kampi sila kay Kyline habang kinukundena nila si Kobe?
Parang it doesn’t seem that way.
Ang nakikisawsaw ay ‘yung taong nagpo-post ng kanyang mga saloobin o opinyon sa isang isyu.
Kung ito ang premise, hindi “guilty” sina Marian at Sarah sa pakikisawsaw.
At lalong hindi sa pangungusinti! Ronnie Carrasco III