Home ENTERTAINMENT Marian, namakyaw ng ayuda; Zia at Ziggy, taga-repack!

Marian, namakyaw ng ayuda; Zia at Ziggy, taga-repack!

134
0

Manila, Philippines – Hindi maaaring tawaran ang ambag ng pamilya Dantes ss mga nasalanta ng bagyong Carina.

Given na ang rescue efforts ng mga reservist tulad ni Dingdong sa mga ganitong pagkakataon.

Mga frontliner din sila kung tutuusin.

What’s more, napapasabak sila where the action is unmindful of the risk involved.

Nagsilbing katuwang naman ng aktor ang asawang si Marian Rivera.

For her part, namakyaw ng ayudang basic goods ang aktres which she personally purchased.

Napansin ding may dala-dala siyang calculator.

Sa dami ba naman ng mga pinamili niya, ‘no!

Ayaw ring paawat ang kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Ang partisipasyon naman nila’y mag-repack para dalhin sa mga evacuation areas.

Totoong we cannot defy nature, but we can extend our help sa mga taong dumaranas ng hagupit ng kalikasan.

At sa kaso ng Dantes couple, maaano nga namang mag-share sila ng kanilang mga biyaya?

No wonder, they’re blessed! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here