Home METRO Pamilyang mahimbing na natutulog sa loob ng bahay ibinuwal ni Carina

Pamilyang mahimbing na natutulog sa loob ng bahay ibinuwal ni Carina

183
0

Bulacan – Masuwerteng nakaligtas ang isang pamilya kabilang ang pitong buwan na sanggol nang itumba ng malakas na hangin ang kanilang bahay sa kasagsagan ng bagyong Carina.

Ayon sa inang si Val Daluz, nasa hustong gulang, Zumba instructor, residente ng Brgy. Wawa, Balagtas, nangyari ang insidente, bandang 1:00 ng madaling araw nitong Hulyo 26.

Ayon kay Daluz, sa kasarapan ng tulog nila ay naramdaman niya ang malakas na hampas ng hangin hanggang umuga, lumangitngit ang ibaba ng bahay at tumumba ito sa katabing bahay.

Agad nilang inilikas sa ligtas na lugar ang kanilang mga anak sa kasagsagan ng pagbayo ng hangin,ulan at pagragasa ng baha.

Sinasabing sa dami ng apektado ay puno ang evacuation center sa kanilang lugar kaya sumilong na lang ang pamilya sa nagpaunlak ng tulong.

Patuloy na humihingi ng tulong ang pamilyang nawalan ng masisilungan at mga gamit sa pang araw-araw na buhay sa kinauukulan at sa may mga mabuting puso. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here