Home NATIONWIDE Tamang paggamit ng pondo sa flood control master plan sisiyasatin ng Kamara

Tamang paggamit ng pondo sa flood control master plan sisiyasatin ng Kamara

157
0

Manila, Philippines – Ipinarerepaso ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang flood control master plan upang matiyak ang nagagamit ng maayos ang pondo ng bawat ahensya sa mga proyektong kapaki-pakinabang sa taumbayan.

“Kailangan nating suriin ang plano kontra sa mga baha dahil sa nangyaring ito. Sisiguruhin nating ang national budget natin ay may kaukulang pondo sa pagsasaayos ng mga drainage systems, pumping stations, at kung ano-ani pa laban sa pagbaha.”

Kasunod ito ng pagbisita ni Romualdez sa nasirang Tangos-Tanza Navigational Gate and Pumping Station sa Navotas City noong kasagsagan ng bagyong Carina kasama sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, Navotas Lone District Rep. Tobias “Toby” Tiangco at Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

Sa kanilang pag-ikot ay kasamang sinuri ng mga kongresista ang malawak na pagbaha sa Malabon at Navotas.

Kasabay nito ay namahagi na rin ng ayuda ang mga kongresista sa Navotas para sa may3,000 pamilya na binaha at nailikas sa pakikipagtulungan ng Tingog Partylist, at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Hatid ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Nandito kami para ipadama, ilapit at ipaabot sa mga mamamayan ang serbisyo ng pamahalaan,” sinabi pa ni Romualdez.

May kabuuang 1,000 relief packs ang naipamigay na sa mga evacuees sa pakikipag-ugnayan na rin sa tanggapan Rep. Tiangco, Mayor Tiangco, at local government officials.

“Madami pa tayong pupuntahang mga evacuation centers. Ipaaabot natin sa mga nabiktima ng Habagat at bagyong Carina ang tulong ng pamahalaan, nasaan man g panig ng bansa. Alam ng ating

Pangulo ang sitwasyon at may direktiba na para sa pagtulong sa mga nasalanta.” Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here