Manila, Philippines – Nahingan ng pahayag si Maricel Soriano hinggil sa mensahe niya sa dating loveteam partner na si William Martinez.
Walang kagatol-gatol namang sinabi nito na magtino na ang aktor.
Hirit pa niya, magaganda raw naman ang mga anak nito sa ex na si Yayo Aguila na lab niya.
Dagdag pa niya, hindi rin daw siya atat sa balik-tambalan nila ni Kulit lalo pa’t ang mga gusto niyang makatrabaho ay iyong mga bago.
Bilang kilala sa bansag na Taray Queen, malaki na raw ang iminellow niya mula nang magkaroon siya ng mga anak.
Sa mga desisyon daw niya sa kasalukuyan, lagi na niyang isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga anak.
Sa nasabing panayam, natanong din ang aktres sa ilang naniniwala na may K siyang maging National Artist.
Aniya, flattered daw siya kung mangyayari iyon pero ayaw na raw niyang umasa.
Inamin din niya na minsan na siyang nadurog sa ngalan ng pag-ibig ngunit marami na raw siyang natutunang leksyon.
Kung dati raw ay nagpakatanga siya, ngayon daw ay wais na siya.
Sa tarayan challenge, nagbigay naman siya ng kanyang hirit sa mga baguhang pinupuna ang kanyang akting.
Aniya, dedma lang daw siya rito at saka na niya ito papansinin kapag umabot na ng limang dekada sa showbiz.
Sa young star namang nagsasabing hindi siya kilala, ang reaksyon naman niya ay pakitanong daw kung kilala rin ba niya ito at kung bet na makilala. Archie Liao