Home ENTERTAINMENT Mariel, may isyu na naman!

Mariel, may isyu na naman!

Manila, Philippines- No one else is doing the damage control for her except herself.

Ito ang nagkakaisang interpretasyon ng mga netizens sa panibagong atraso ni Mariel Rodriguez para pagtakpan ang kinasangkutang IV drip sa mismong tanggapan ng asawang si Sen. Robin Padilla.

Nag-post kasi ng lumang video si Mariel hango sa ipino-promote na pelikula noon nina Robin at Regine Velasquez.

Kuha ‘yon sa guesting nina Robin at Regine on national TV para i-promote ang kanilang pelikula.

Bale ba, ang eksena’y nagki-kiss ang dalawa.

Ang paeklay ni Mariel, tinag lang daw ang video na ‘yon sa kanya.

Sa katunayan pa raw, mas marami ang nag-tag niyon sa kanya kesa sa pagpapa-IV drip niya.

Obyus na in-underestimate o minenos ni Mrs. Padilla ang mga gustong maniwala sa kanyang kuwento.

Halatang para-paraan lang to get away with the IV drip issue (na hindi raw gluta kundi Vitamin C)!

Umabot pa sa point na inamin ni Mariel na tinag niya si Ogie Alcasid.

Kaya ang tanong tuloy ng mga netizens who are apparently turned off by Mariel’s stunt: ano naman ang kinalaman doon ni Ogie?

Eh, that time nga naman ay dalaga pa si Regine.

Nakakainsulto pa raw ang post ni Mariel na wari’y nagbubunyi.

Happy na raw ba ang mga netizens sa shared video na ipinost niya?

Nakarating na kay Robin ang paandar na ito ng kanyang misis.

Idinaan na lang ng mambabatas sa biro ang gimik ng asawa: “Oo, nakarating na sa pulis…puwede bang sa presinto na lang ako magpaliwanag?”

Sa ngayon, wala pang reaksyon mula sa kampo nina Ogie at Regine ang “desperate move” ni Mariel in an attempt to wash her hands off the issue.

Spell C-H-E-A-P. Ronnie Carrasco IiI