Home METRO Unang ginto nasungkit ng Pinas sa Asian Age Group Championship

Unang ginto nasungkit ng Pinas sa Asian Age Group Championship

MANILA, Philippines – Nasungkit ng Pilipinas ang unang gintong medalya sa Asian Age Group Championships sa New Clark City nitong Miyerkules, Pebrero 28.

Pinamunuan ng swimmer na si Jamesray Mishael Ajido ang boys 100-m butterfly event upang angkinin ang ginto matapos na magtala ng 55.98 segundo. Na-reset din nito ang meet record na dating hawak ni Yu Xiang Wang ng China noong 2019 sa 56.36 segundo.

“I was expecting to win a medal, but I’m not sure what color. I’m happy that I won the gold,” ani Ajido mula sa La Salle Green Hills.

“Ito ay espesyal para sa akin. Ipinagmamalaki kong manalo ng mga medalya para sa Pilipinas. Iniaalay ko ang aking tagumpay sa Panginoon at sa aking pamilya,”

Pumangalawa si Yusei Nishiono ng Japan na may 56.05 segundo, habang pumangatlo si Yung-Cheng Kan ng Chinese Taipei na may 56.79 segundo.

Inangkin din ni Ajido ang bronze medal noong Martes sa boys 50-m freestyle.

Kasalukuyang may apat na medalya ang Pilipinas sa torneo kung saan si Heather White ay nakakuha ng bronze sa girls 100-m butterfly event, at si Micaela Mojdeh na may isa pang bronze sa girls 200-m butterfly event. RNT

Previous articleMas mahigpit na parusa vs red-taggers inihirit ng Kabataan solon
Next articleMariel, may isyu na naman!