Napatunayan mismo ni Mariel Rodriguez na kakayanin pala niyang sugpuin ang kanyang pagiging shopaholic.
ln her latest vlog, ibinahagi ng TV host ang kanyang “pagdurusa” nang mahigpit na pagbawalang mag-shopping nang bonggang-bongga ng kanyang asawang si Senator Robin Padilla.
Pagmamalaki ni Mariel, nakuha raw niyang tiisin ang pinakamalaking pagsubok na ‘yon nang pumunta sila sa Singapore.
Dalawa ang pakay ng mag-asawa sa kanilang Singapore trip.
Una’y ang medical checkup ni Robin, at ang ikalawa’y panonood ng The Eras tour ni Taylor Swift.
Kahit pa raw pera na mismo ni Mariel ang gagastusin niya sa pagsa-shopping ay bawal pa rin.
Katwiran daw sa kanya ni Binoe: mahal na nga raw doon ang ipinunta nilang pagpapa-checkup.
Higit pang nakaramdam ng pagkalungkot si Mariel nang mapadaan sa mga paboritong luxury stores doon.
Once at a Chanel store, ibinida niya ang kanyang pagiging isang masunuring asawa na pinipigilan ang kanyang luho even if at her own expense.
Pero hindi na raw bale dahil nangako naman daw si Robin na sasamahan siyang manood ng
Taylor Swift concert, which he did. Ronnie Carrasco III