Home NATIONWIDE PH nagpahayag ng pagkabahala sa aistrike sa Iran consulate sa Syria

PH nagpahayag ng pagkabahala sa aistrike sa Iran consulate sa Syria

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng lubhang pagkabahala ang pamahalaan ng Pilipinas sa pinakahuling insidente ng airstrike target ang Iran consulate sa Syria at kumitil ng pitong katao kabilang ang mga diplomat.

Matatandaan na sinapul ng missile attack ang konsulado na nasa tabi lamang ng main building ng Iran Embassy sa Damascus noong Abril 1.

Sa pahayag nitong Miyerkules, Abril 10, iginiit ng Philippine Embassy sa Iran ang ‘sanctity’ ng foreign embassies at missions na dapat ay nirerespeto sa lahat ng panahon.

“The Philippines expresses its profound concern over the attack on the Iranian Embassy in Syria resulting in seven casualties. Diplomatic missions and their corresponding locations are sacrosanct, as well as the safety of diplomats and their families.”

“This principle should be upheld at all times by every law-abiding nation, particularly during periods of history when the work of diplomats is absolutely vital in the pursuit of peace.”

Dahil dito ay nanawagan ang pamahalaan sa dalawang partido na pahupain ang tensyon at “work earnestly with international partners to swiftly and peacefully resolve this crisis.” RNT/JGC