MANILA, Philippines – Mistulang nabuking si Senador Koko Pimentel na walang alam sa mga lugar sa siyudad ng Marikina kung saan tumatakbo siya bilang kongresista ng unang distrito nito.
Sa “Make Manila Liveable: Elections Kapihan with Marikina Candidates” ng Rappler kasi nagkautal-utal ang senador sa kanyang mga pahayag na mistulang hindi pamilyar sa mga lugar sa Marikina.
“Meron tayo rito, iyong ano, iyong source ng water, ano Del (de Guzman)… sa Barangka, balon, na may structure na ngayon,” wika ng nauutal na si Pimentel, na tinanong pa ang katabing kandidato na si Del de Guzman.
“Tapos iyong simbahan, iyong first mass dito, San Isidro Labrador, doon sa may Elena,” dagdag pa niya.
Itinama na lang si Pimentel ng isa sa kanyang mga kasama, sa pagsasabing ang tinutukoy niya ay ang Jesus dela Pena chapel na matatagpuan sa Nangka.
Humirit naman ang netizens na patunay lang ito na hindi taga-Marikina si Pimentel kundi taga-Cagayan de Oro. RNT