Home NATIONWIDE Defense, trade ties tinalakay nina PBBM, Cambodia PM

Defense, trade ties tinalakay nina PBBM, Cambodia PM

MANILA, Philippines – MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes, Pebrero 11, si Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet sa Palasyo ng Malakanyang.

Si Hun Manet, sa pangalawang araw nito sa Pilipinas, pinagkalooban ng arrival honors sa Kalayaan grounds ng Palasyo ng Malakanyang.

Kasama naman ni Pangulong Marcos na mainit na sumalubong kay Hun Manet sa Palasyo ng Malakanyang sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Ralph Recto, Trade Secretary Maria Cristina Roque, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy, at Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. joined Marcos in welcoming Hun Manet at Malacañan.

Lumagda rin si Hun Maten sa guest book bago pa ang kanyang bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos.

Sinasabing ito ang unang pagbisita ni Cambodian leader sa bansa.

Ang kanyang two-day official visit sa bansa ay naglalayon na isulong ang Manila and Phnom Penh’s cooperation sa paglaban sa transnational crimes, defense, trade, tourism, at regional and multilateral cooperation.

Samantala, ang diplomatic relations ng dalawang bansa ay itinatag noong 1957 at muling pinagtibay noong 1995. Kris Jose