Home METRO Marine, 2 pa patay sa suwag ng dyip

Marine, 2 pa patay sa suwag ng dyip

CAVITE – Dalawang driver ng motorsiklo kabilang ang isang miyembro ng Philippine Marine at angkas ng isa dito ang namatay makaraang bumangga nang mawalan ng preno sa isang pampasaherong jeep sa pababang bahagi ng kalsada  sa kahabaan ng Ternate – Nasugbu Rd  Brgy Sapang 1,  Ternate Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang driver ng kulay itim na motorsiklo na isang Suzuki Smash na si alyas ‘Nick’, 38,  miyembro ng Philippine Marine na nakadestino sa Marine Base Gregorio Lim habang ang driver ng isang kulay puti-yellow na Yamaha Mio 125 ay kinilalang si alyas ‘Greg’, 54, isang golf crew habang ang angkas nito ay kinilalang si alyas ‘Teng’, 40, isang maintenance na hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Batay sa imbestigasyon ng.pulisya, dakong alas-6:45 ng gabi nang naganap ang insidente sa Ternate-Nasugbu Road ng nasabing lugar kung saan kapwa binabagtas ng dalawang motorcycle rider ang nasabing lugar patungo sa kanilang trabaho sa Puerto Azul.

Binabagtas din ang driver ng pampasaherong jeep ang nasabing lugar galing sa outing sa nasabing resort pero pagsapit sa pababang bahagi ng kalsada nang umano’y nawalang ng kontrol sa kanyang break at lumipat sa kabilang lane dahilan upang mabangga nito ang dalawang motorcycle rider

Parehong isinugod sa Cavite Municipal Hospital sa Maragondon ang dalawang driver ng motorsiklo subalit idineklarang dead on arrival habang sa San Lorenzo Hospital sa Naic isinugod ang backride ng motorsiklo subalit namatay din ito.

Hawak na rin ng Ternate Police ang driver ng  jeep na may plakang DXY 982 na si alyas ‘Justin’ 57. Margie Bautista

Previous articleSean Chambers bagong head coach ng FEU
Next articleKim pumiyok na kay Xian!