Home ENTERTAINMENT Maris, laging may nakatabi, aminadong takbuhan ng kamag-anak!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Maris, laging may nakatabi, aminadong takbuhan ng kamag-anak!July 19, 2025 09:571080 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Not for herself but for others.Naging panuntunan na sa buhay ni Maris Racal na kumayod–hindi lang para sa kanyang sarili kundi sa ilang mga kamag-anak niya na nangangallangan.No wonder, blessed ang produkto ng Pinoy Big Brother All In.Tagged as Singing Sunshine ng Davao, malayo na nga ang narating ni Maris.Nasa kanya rin naman kasi ang kredito as she works so hard.She makes sure na impressed ang production staff ng bawat show na kumukuha sa kanya dahil ginagalingan daw niya ang kanyang performance.At alam n’yo ba na umiiyak si Maris pag walang trabaho?Sa kaso kasi niya–pag walang trabaho, wala rin siyang pambayad ng mga bills.Kaya naman she resorts to praying so hard.Aniya, hindi lang naman daw para sa kanyang sarili ang kinikita niya.May nakareserba daw sa kanyang mga kamag-anak dahil takbuhan siya ng mga ito in times of need.Wala namang masama sa pagtulong–basta ba hindi umabot sa puntong sa kanya na lang iaasa ng mga ito ang kanilang ikinabubuhay. Ronnie Carrasco III