Home ENTERTAINMENT Marjorie, nilaglag sina Greta at Atong!

Marjorie, nilaglag sina Greta at Atong!

Manila, Philippines – Was there more to the business relationship between Gretchen Barretto and Atong Ang?

May kumakalat kasi sa social media na vlog interview ni Maricel Soriano kay Marjorie Barretto.

Hindi malinaw if this was a recent interview or a long time ago.

Pero si Marjorie–Gretchen’s younger sister–ang bumabangka.

Nagbalik-tanaw ang dating Viva artist sa kuneksyon ni Atong sa kanilang pamilya.

Inamin ni Marjorie na ang tunay palang nobya noon ni Atong ay ang pamangkin nilang si Nicole.

Nicole is the daughter of Jayjay, kapatid nina Gretchen, Marjorie at Claudine.

Almost five years din daw ang itinagal ng relasyon nina Nicole at Atong, to the point that the businessman was always present sa mga gatherings ng Barretto family.

Mahihinuhang ang kuwento ni Marjorie ay base sa lamay ng Barretto patriarch.

Kinausap daw ng anak ni Atong si Nicole, asking her to leave the wake dahil parating daw sina Gretchen at Atong.

Ani Marjorie: “Lumuha si Nicole…feeling niya, malaking sampal nga naman ‘yon sa kanya!”

Marjorie reasoned out that mas may karapatang naroon si Nicole sa lamay dahil apo siya.

Pagpapatuloy pa ni Marj: “Eto, personal knowledge ko lang…naghiwalay sina Nicole at Atong allegedly (pause)… inagaw ni Gretchen si Atong sa kanya.”

Sa screen ng vlog interview na ‘yon ni Maricel kay Marjorie ay naka-superimpose na graphics na nakasaad: “Ano kaya ang masasabi ni Gretchen?”

Bagama’t matagal na silang natsitsismis, never kahit minsan nagsalita si Gtetchen tungkol sa ugnayan nila ni Atong.

Ang alam ng marami ay sumosyo si Gretchen sa e-sabong na itinayo ni Atong noong kasagsagan ng pandemya.

Ito’y kung saan napakalaki ng kinikita doon ni Gretchen, at hindi na kailangang maging aktibo uli sa showbiz.

Now that the cat is out of the bag, so to speak, ano kaya ang reaksyon ni Gtetchen sa “pasabog” na ito ng kanyang kapatid?

At ano rin ang masasabi ng partner ni Gretchen na si Tony Boy Cojuangco? Ronnie Carrasco III