Home ENTERTAINMENT Mark Anthony, di sinipot ang presscon, umiwas?

Mark Anthony, di sinipot ang presscon, umiwas?

108
0

Manila, Philippines- Walang kahit anong paramdam si Mark Anthony Fernandez sa idinaos na mediacon recently ng kanyang Viva movie.

Ito ‘yung psychological-sociological thriller na Pasahero.

Bagama’t October 9 pa ang playdate nito, maganda nga namang mai-promote ito nang maaga.

Mga mag-aaral kasi basically ang captive audience ng kakaibang horror movie na ito.

Nakaganda rin sana kung dumalo si Mark.

Hindi tuloy naiwasang mag-isip na ang no-show ng aktor ay para maiwasan na ring usisain siya tungkol sa viral sex video niya kamakailan.

Marami siyempre ang curious kung kailan kinunan ang video na ‘yon.

Sa aminin man din kasi o hindi ni Mark ay umani ng magagandang feedback ang sex video na ‘yon mula sa mga nakapanood nito.

Umiwas bang talaga si Mark na tanungin tungkol doon kaya “inindyan” niya ang mediacon ng kanyang sariling pelikula?

Ayon sa cult director nitong si Roman Perez ay nagkausap daw sila ng aktor tungkol doon.

Depensa raw ni Mark, ginamitan daw ng artificial intelligence o Al ang sex video.

Ibig sabihin, kinuha lang daw ang mukha ni Mark para palabasing siya ang nasa video.

Sa isang hiwalay na ulat, napag-alamang hindi raw kinakausap si Mark ng kanyang aktor na anak na si Grae Fernandez makaraang pumutok ang sex video.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakukunan ng reaksyon si Alma Moreno, ang ina ni Mark. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here