Home ENTERTAINMENT Mark at male singer, naispatang magkasama, may ‘something’?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Mark at male singer, naispatang magkasama, may ‘something’?February 8, 2025 11:00 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – Una, sa gay bar. This time around, nalintriga naman si Mark Herras sa isang male singer.Nagkalat ngayon sa social media ang mga litrato ni Mark kasama niya sa isang hotel casino si Jojo Mendrez.Si Jojo ang binansagang Revival King.Dakong 11:30 ng gabi nitong February 5 nang maispatan ang dalawa at mukhang masaya raw sa isa’t isa.Kaagad namang umandar ang malilisyosong isip ng ibang netizens na nag-assume na may “something” sa pagitan nina Mark at Jojo.Agad din namang naglabas ng official statement ang Aqueous Entertainment, ang talent management office ni Jojo.Ayon dito, may bahid malisya raw ang post sa social media ng mga larawan nila.Sa katunayan, ang kanilang meetup daw ay “purely friendly.”Nagkataon daw na gumagawa ng reaction video si Mark tungkol sa revival song ni Jojo na Somewhere in my Past na pinasikat noon ni Julie Vega.Dagdag pang nasabing tanggapan, marami raw silang mga kasamang kaibigan ng gabing ‘yon.Nauna rito, lumikha ng tila pambansang isyu ang pagsasayaw ni Mark sa Apollo, isang gay bar sa Roxas Blvd nang dalawang gabi.Ipinaliwanag ni Mark na hiphop ang isinayaw niya doon at hindi siya naghubad.Napapayag daw siyang magtanghal doon bilang pantustos sa kanyang pamilya. Ronnie Carrasco III