Manila, Philippines – May ilang mga marites sa kampo ng OPM singer na si Jojo Mendrez ang nagsasabing spotted daw si Mark Herras sa isang resort sa Batangas kung saan shinoot ang music video ng Ngayong Pasko’y Ikaw pa rin.
May nagsasabi rin na kasama raw si Mark sa music video ni Jojo.
Ang sabi pa, may nag-leak daw na director’s cut ng nasabing music video at nakita nga raw si Mark.
Si Mark nga kaya ‘yun or ka-look-a-like lang?
At kung si Mark nga ‘yung nandun sa music video, hindi ba’t may nakaambang kaso si Jojo laban kay Mark?
On the other hand, may nagsabi naman na kung si Mark nga ay kasama sa music video ng Ngayong Pasko’y Ikaw pa rin ay sigurado raw na marami ang kikiligin lalo na ang mga MarJo.
Abangan na lang ang susunod na kananata ng paglabas ng music video para malaman kung nagkabati na nga ba talaga ang dalawa. JP Ignacio