Home ENTERTAINMENT Mark, nagparamdam, nagpapansin kay Kris?

Mark, nagparamdam, nagpapansin kay Kris?

Manila, Philippines – Nagparamdam na ulit sa socmed ang Vice Governor ng Batangas na si Mark Leviste pagkatapos ibuyangyang ni Kris Aquino na meron na siyang doktor na boyfriend ngayon.

Nag-post ng art card si Mark sa kanyang Facebook account at story sa Instagram na may color pink na background at kanta ni Bruno Mars na “Count on Me”.

Mensahe ni Mark, “I am glad that Kris is finally home, and I’m equally happy for her family, friends, and fans that our Queen is back at long last.

“However, it breaks my heart to see someone I deeply care about facing such a difficult battle.

“Her strength and resilience have always amazed me, at alam ko na gagawin niya ang lahat upang hindi sumuko at patuloy na lumaban at protektahan ang kaniyang kalusugan.

“As Kris prepares for her second immunosuppressant infusion and spends time with her sisters and relatives, I pray for her healing, comfort, and peace.

“Now, more than ever, she needs the unwavering love and support of her loved ones. My sister and I are here for her, offering all the encouragement we can.”

Pero ‘di pa lumilipas ang isang araw, deleted na ang mensahe na ‘yan ni Mark sa kanyang post sa socmed. But the rest of the stories sa last post/story niya, na kasama ang mensahe niya kay Kris, ay nandoon pa.

Say ng mga Marites, dinelete ni Mark ang mensahe niya kay Kris dahil sinita na siya ng nanay nina Joshua at Bimby? Na tigil-tigilan na siya (Kris) ni Mark dahil matagal na silang wala?

Respeto na rin sa bagong boyfriend ni Kris and more so, huwag na siyang “i-use me in a sentence” ng politiko mula sa Batangas?

Pangalawa, baka may mga natanggap na si Mark na bashing o di kaya ay umiwas na siya bago pa man ulanin ng pamba-bash sa netizens especially sa fans/followers ni Kris at maakusahang nagpapansin ‘di lang sa actress-TV host kundi pati na sa publiko

‘Lam na dis. Julie Bonifacio