Home NATIONWIDE Sasakyan pandagat, sumadsad sa dagat na sakop ng Lubang Island

Sasakyan pandagat, sumadsad sa dagat na sakop ng Lubang Island

MANILA, Philippines – Sumadsad ang isang sasakyang pandagat sa dagat na sakop ng Brgy. Tilik, Lubang, Occidental Mindoro, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Mahigpit naman itong binabantayan ng PCG at hindi pa rin natatanggal sa pagkasadsad ang LCT Felicity 8, may 200 metro mula sa baybayin ng Brgy Tilik.

Ayon sa PCG, galing umano ng Cabangan, Zambales ang barko at nagdiskarga ng dala nitong mga buhangin at graba noong Setyembre 15.

Iniwasan umano nito ang isang bangkang pangisda nang mangyari ang pagsadsad.

Wala namang pagtagas ng langis na nakita ang PCG at kumuha na ng barko na tutulong mahatak ito patungo sa malalim na bahagi ng dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden