MANILA, Philippines – Isang lalaki ang tuluyang nang nanahimik makaraang tarakan ng saksak ng kanyang dating kaalitan nang nagkrus ang kanilang landas sa Naic, Cavite.
Kinilala ang namatay na biktima na si alyas Roldan na nagtamo ng tama ng saksak sa dibdib habang naaresto naman ang suspek na si Alyas Avelino.
Ayon sa report ng pulisya, bandang 6:37 ng umaga kamakalaw nang magkasalubong ang biktima at suspek sa kahabaan ng Antero Soriano Highway ng nasabing lugar.
Sa pagtatagpo ng dalawa, naungkat ang kanilang dating alitan hanggang sa nagkaroon ng mainitang pgtatalo na humantong sa paglalabas ng kutsilyo ng suspek at kaagad nitong pinagsasaksak ang biktima.
Hindi na tinangkang isugod pa sa ospital ang biktima nang nalagutan ng hininga sa lugar ng insidente habang naaresto naman ang suspek dahil sa mabilis na responde ng mga awtoridad at narekober ang patalim na ginamit sa pagpatay. Margie Bautista