Home ENTERTAINMENT Mark, pinuno ang gay bar sa repeat performance!

Mark, pinuno ang gay bar sa repeat performance!

Manila, Philippines – Hindi natinag ng mga bashers at intriga si Mark Herras matapos mag-perform sa gay bar noong January 10.

Kahit ang dating manager na si Lolit Solis ay nagpahayag ng pagkadimasya sa naging desisyon ng dating alaga samantalang ang iba naman ay naawa.

Dedma lang si Mark at natuloy ang repeat performance niya noong Friday ng gabi sa pareho ring gay bar.

Masaya naman ang may-ari ng nasabing bar dahil napuno na naman ito ng customer.

Umaasa pa rin naman ang mga tagahanga ni Mark na sana raw ay maisip ng kanyang network na bigyan siya muli ng proyekto para raw hindi na ito umabot sa ganitong kalagayan na sa kawalan ng raket ay pinapatulan ang pagsayaw sa isang gay bar.

Wala naman daw masama sa pag-perform, pero hindi gusto ng iba niyang faney na sa ganitong venue umabot ang kauna unahang Male Startruck Survivor. Malayo sa naabot na ng mga kasabayang sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Cristine Reyes at iba pa. Rommel Placente