Home NATIONWIDE Amihan, easterlies iiral sa malaking bahagi ng bansa

Amihan, easterlies iiral sa malaking bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan sa Northern at Central Luzon ang Northeast Monsoon o Amihan, habang kalat-kalat na pag-ulan naman ang aasahan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies.

Ayon sa PAGASA, ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.

Maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan naman ang aasahan sa Batanes, Apayao, Cagayan, Isabela, at Aurora dahil sa Amihan.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains ang mararanasan sa Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa easterlies. RNT/JGC