
MANILA, Philippines- Iprinoklama ang independent candidate na si Mark Anthony Santos nitong Martes bilang kinatawan para sa lone district ng Las Piñas City, ayon sa ulat.
Sa pagproseso ng 100% election returns nitong Lunes ng gabi, nakakuha si Santos ng 115,757 boto, tinalo si Senator Cynthia Villar na nakatanggap ng 83,975 boto.
Samantala, narito ang iba pang nanalong kandidato sa Las Piñas City na naiproklama na ng City Board of Canvassers.
Mayor: April Aguilar
Vice Mayor: Imelda Aguila. RNT/SA