Home ENTERTAINMENT Mark, sinabihang mukhng tito ni Clau!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Mark, sinabihang mukhng tito ni Clau!October 22, 2025 19:152930 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Nag-trending ang pictorial nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez para sa isang forthcoming serye.Hindi naman napigilang mag-react ng mga nagmamarisol sa sweetness nila sa isa’t-isa sa nasabing pictorial.May mga kinilig na kafaneyan at isini-ship si Claudine sa ex lalo pa’t pareho silang single.May netizens ding binuhay ang kanilang romansa at nagsabing may spark pa ang dalawa.Pero may ilang nagmamaldita namang inokray si Mark at sinabing mukha itong tito ni Clau.May mga pa-savage ring binalaan ang aktres kay Mark.Ito ang ilan sa kanilang mga random na komento.“Bakit mukha silang magtito.”“Ang laki nang itinanda ni Mark pero si Clau, fresh pa rin.”“Mukhang kayo pa magiging end game.”“Muling ibalik ang tamis ng pagibig.”“Malaki ipinagbago ni Mark Anthony, tumanda na siya.”“Bagay sila onscreen pero in real life sana wag na… Deserve ni Clau ang katahimikan ng puso at isip…”“Omg, my 90s heart! First yr high school ako nun hahaha. Sana endgame kayo.”“Bakit ako kinikilig.”“Naku wag ka sana bumigay uli kay Mark, kawawa ka claudine.”“Ayyy together again ayiiiiiee.”Sina Claudine at Mark ay nagkasama sa pelikulang “Mangarap Ka”. Archie Liao