Manila, Philippines – Hindi tiyak kung saan sanang show sa isang network dapat kabilang siya, pero sinisisi ni Mark Herras ang ilang tao kung kaya’t tuluyan na siyang sinibak doon.
Ito ang ibinalita ng Showbiz Updates nina Ogie Diaz sa latest episode nito.
Quoting Mark’s social media post: “Dahil sa pag-iingay n’yo sa social media at pandadamay n’yo sa akin sa isyu, as of April 14, tinanggal ako sa isang show!”
Hindi man binanggit ni Mark which show, marami ang sure sa pagsasabing sa GMA mapapanood ang palabas na ‘yon.
Particularly, posibleng supposedly ay isa si Mark sa 10 contestants ng show na Stars on the Floor.
To air in June, ang magsisilbing host nito’y si Alden Richards.
Magsisilbi namang mga hurado sina Marian Rivera, Pokwang, to name a few.
Kung na-retain kasi si Mark, his fellow contestants will include Rodjun Cruz, Zeus Collins, among others.
Nakakaantig nga naman ang “sarcastic post” ni Mark for losing the said show.
“Para sa pamilya ko pa mandin kaya ako nagtatrabaho,” say ni Mark.
Sa bandang huli, nakuha pang magparunggit ni Mark para kunsensyahin ang mga ‘di pinangalanang namerhuwisyo sa kanya: “Maraming salamat na lang sa ginawa n’yong pag-iingay sa social media!”
To begin with, anong isyu ba ang idinikit kay Mark? Ronnie Carrasco III