Home NATIONWIDE 57K boto sa local absentee voting, may malaking papel sa resulta ng...

57K boto sa local absentee voting, may malaking papel sa resulta ng 2025 polls

MANILA, Philippines – Magiging kritikal ang mahigit 57,000 boto ng local absentee voters dahil maaari itong magpanalo sa isang kandidato para sa ika-12 puwesto sa Senado, ayon sa Commission on Elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na malaki ang magiging papel ng resulta ng mga boto ng local absentee voters sa paghalal ng mga senador at party-list groups.

Tulad aniya sa nangyari noong 2007 o 2010, kung saan 10,000 lamang ang lamang ng number 12 sa number 13 sa senatorial candidates.

Bukod sa mga senador, ang boto para sa party-list ay kritikal din ang resulta, lalo’t kinakailangan maabot ang 2% threshold ng mga boto para makakuha ng isang puwesto sa Kongreso.

Inaasahan ng Comelec na mapapantayan pa ang 88% voter’s turnout noong nakaraang halalan ng mga local absentee voters ngayong 2025 elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden