Nagtungo sa bisinidad ng Quiapo Church sina DILG Secretary Benhur Abalos, Manila Mayor Honey Lacuna Pangan, PNP Chief Benjamin Acorda, BFP Chief General Louie Puracan, MMDA General Manager Procorpio Lipana at Manila Police Director Arnold Thomas Ibay, sa isinagawang ocular upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan na gaganaping Pista ng Itim na Nazareno.
MANILA, Philippines – Naniniwala si Manila Mayor at re-electionist Honey Lacuna-Pangan sa due process at handang patunayan na mali ang akusasyon laban sa kanya.
Ang pahayag ni Lacuna-Pangan ay kaugnay sa show cause order na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ukol sa umano’y vote buying at abuse of state resources o ASR.
Sa kabila nito, sinabi ni Mayor Honey na susunod siya sa inilabas na show cause order at handa nilang pabulaanan ang mga akusasyon.
Samantala, sa kanilang joint statement, sinabi ni Marikina 2d District Rep. Stella Quimbo at kanyang mister na si Romero “Miro” Quimbo na kapwa tumatakbo sa puwesto sa darating na halalan ay nagsabi na handa rin nilang sagutin ang show cause order na inisyu ng Comelec na kanilang nilinaw ay isa lamang reklamo at hindi katumbas ng isang kaso.
Sina Lacuna, kasama ang mag-asawang Quimbo, ay kabilang sa kandidato na inisyuhan ng show cause order ng Comelec na pinagpapaliwanag kaugnay sa mga alegasyon ng vote buying at ASR. Jocelyn Tabangcura-Domenden