Home NATIONWIDE Mark Villar kumpiyansa, isinampang reklamo ng SEC mababasura sa kawalan ng batayan

Mark Villar kumpiyansa, isinampang reklamo ng SEC mababasura sa kawalan ng batayan

100
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Senator Mark Villar na walang batayan ang mga alegasyon na ipinaparatang laban sa kanya ng Securities an Exchange Commission (SEC), ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Rhegine Peralta-Abrera.

Dumating ngayong Lunes ng hapon, Abril 20, si Villar kasama ang kanyang legal counsel sa Department of Justice (DOJ) upang magsumite ng kaniyang counter affidavit sa reklamong kinakaharap nito sa isinagawang preliminary investigation.

Ayon kay Atty. Peralta-Abrera, naging pagkakataon din ito upang tugunan ang mga alegasyon at itinanggi niya ang lahat ng maling gawain na ipinaparatang laban sa kanya.

Naniniwala ang abogado na maibabasura lamang ang reklamo dahil sa kakulangan ng basehan sa mga alegasyon na ibinabato sa kanya.

Binigyang-diin din na layon lamang ng mambabatas na maisulong ang ‘transparency’ at ang mga ginawa niya ay walang intensyon na manloko.

Sa naging partisipasyon ng kanyang kliyente sa kanilang kumpanya na Villar Land Holdings Corporation, sinabi ng abogado na ‘in good faith’ lamang ang ginawa ng kanyang kliyente bilang Director ng kumpanya.

Nahaharap si Senador Mark Villar kasama sina Camille Villar, Manuel Paolo Villar at mga dating Senator Cynthia at Manny Villar at kanilang kumpanya sa mga reklamong market manipulation, insider trading at misleading disclosures. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here