Manila, Philippines- Bed of thorns and roses ang naging pagsasama noon nina Martin Nievera at Pops Fernandez.
Katunayan, naging mahirap para sa kanilang aminin sa publiko ang estado ng kanilang relasyon noong hiwalay na sila.
Marami kasing kafaneyan noon ang umaasang for reel, for real at forever na ang kanilang relasyon.
Ayon pa kay Martin, may mga pagkakataon nga raw na nagsasama sila sa shows na sweet-sweetan sila pero ang tunay na score ay break na sila.
Hindi rin ikinaila ng Concert King na dumating siya sa punto na ginusto na niyang wakasan ang kanilang pagkukunwari.
Inanunsyo raw niya ito sa ASAP na iniwan niya pagkatapos ng ilang taong pagho-host.
Sumunod daw namang nagpaalam noon sa show ay si Pops.
Dagdag pa ni Martin, dahil daw sa kanyang infidelity kay Pops ay naapektuhan ang kanyang karera.
Dumating daw siya sa puntong ginusto na niyang wakasan ang kanyang buhay.
Naging therapy din daw niya ang pagkukumpisal ng kanyang naging kasalanan sa ex sa publiko kapag siya ay nagdaraos ng konsiyerto.
Sa vlog naman ni Toni Gonzaga, inamin ng Concert King ang hindi niya makakalimutang karanasan noong panahong magkahiwalay sila ni Pops.
May isang madre raw siyang nakaengkuwentro noon sa Makati na sinampal siya dahil sa galit sa kanya.
“Merong isang time sa Glorietta, bago pa yung Glorietta. A nun, madre, walking, may kasamang payong. Nag-smile siya sa akin, nag-smile din ako, tas sinampal ako sa mall! Sinampal ako sa mall, sa Glorietta!
“Sabi ko, ‘Bakit po? I’m so sorry, did I offend you?’ ‘Bakit iniwan mo si Pops?’ ganun,” pagbabalik-tanaw ni Martin.
Sa ngayon daw ay thankful si Martin dahil pareho na silang nag-heal ng ex-wife at nakapagpatawaran na.
Grateful din siya na through the years ay naging mabuti silang magkaibigan ng former partner. Archie Liao