MANILA, Philippines- Nakauwi na sa Pilipinas si Filipino death row convict Mary Jane Veloso matapos ang mahigit isang dekadang pagkakakulong sa Indonesia dahil sa drug trafficking.
Dumating si Veloso sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Cebu Pacific commercial flight.
Sinamahan siya ng Philippine officials sa pangunguna ni Department of Foreign Affairs undersecretary Eduardo de Vega.
Sinintensyahan ang 39-anyos na Pilipina ng kamatayan matapos mahulihan ng 2.6 kilo ng heroin sa Indonesia noong 2010.
Noong 2015, sinabi ni dating Indonesian President Joko Widodo na binigyan lamang ng pamahalaan si Veloso ng “temporary reprieve” mula sa nakatakdang pagbitay sa kanya kaugnay ng umano’y human trafficking.
Subalit, nitong Nobyembre, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkasundo ang Manila at Jakarta na ilipat si Veloso sa Pilipinas, at pinasalamatan si Indonesian President Prabowo Subianto at kanyang gobyerno.
Gayundin, labis ang pasasalamat ni Veloso sa Diyos maging kina Indonesian President Prabowo Subianto at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makauuwi na siya sa bansa.
“Nagpapasalamat po ako sa lahat…sa Pilipinas,” Veloso said. …Maraming salamat kay President Prabowo…kay Pangulong Marcos,” aniya bago umalis ng Indonesia.
“This is my new life which I’ll start again in the Philippines,” dagdag niya.
“I have been in Indonesia for almost 15 years, I was not able to speak Indonesian back then but now I can… I am so happy today but also sad,” patuloy ni Veloso.
Umaasa si Veloso na makauuwi siya sa kanyang pamilya at mabibigyan siya ng clemency sa Pilipinas.
“Gusto ko na makalaya ako… Clemency… mapawalang sala. Kasi wala akong kasalanan,” aniya sa isang panayam bago umalis ng Indonesia..
Dadalhin si Veloso sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City. RNT/SA