Home OPINION MAS ASENSADO PROBINSYANONG OFW KAYSA TAGALUNGSOD

MAS ASENSADO PROBINSYANONG OFW KAYSA TAGALUNGSOD

69
0

MADALAS sabihin na mas maunlad ang buhay ng probinsyanong overseas Filipino worker kumpara sa OFW na taga lungsod. Sa maraming pagkakataon, tila ito’y may katotohanan na ang probinsyanong OFW ay kadalasang may malinaw na layunin.

Sila ay nakapagpatayo ng bahay, nakabili ng lupa, at naiahon ang pamilya mula sa simpleng pamumuhay. Dahil mas mababa ang gastos sa probinsya, mas ramdam ang bunga ng kanilang pinaghirapan.

Samantala, ang OFW na mula sa lungsod ay nahaharap sa ibang reyalidad dahil sa kagarbuhan sa buhay ng kanilang pamilya na akala ay pinupulot lang ang pera sa abroad. Mas mataas ang gastusin—upa, kuryente, edukasyon, at pang-araw-araw na pangangailangan.

Ngunit hindi ito simpleng usapin ng kung sino ang “mas maunlad.” Ang probinsyanong OFW ay maaaring mas mabilis makapag-ipon, ngunit kadalasan ay nagsisimula sa mas mababang antas.

Ang OFW naman na tagalungsod ay maaaring may mas maraming oportunidad at exposure, ngunit kadalasan ay mas mabigat din ang responsibilidad at gastusin sa araw-araw. Dahil sa mataas na halaga ng pamumuhay sa siyudad, mas malaki rin ang kailangang ipadala o ilaan para sa pamilya, bahay, edukasyon, at iba pang pangangailangan.

May bentahe ang OFW na may kaalaman sa pagsasaka dahil mayroon siyang kakayahang magtanim at gumawa ng sariling diskarte at pagkakitaan pag-uwi sa bansa.

Kung pag-uusapan ang tunay na pag-angat sa buhay, mas may malinaw na pundasyon ang OFW na marunong sa farming kumpara sa karaniwang OFW na na nasa urban place, dahil bukod sa ipon ay mayroon silang kasanayang maaaring pagkakitaan habambuhay at makatulong pa sa seguridad sa pagkain ng pamilya.

Kapag bakasyon ng OFW na may alam sa farming mayroon itong direksyon, at may kakayahang gawing produktibo ang kanilang ipon dahil sa kaalaman sa pagsasaka na isang yaman na hindi nauubos habang ang iba ay nagsisimulang muli sa paghahanap ng trabaho.

Sa huli, ang tunay na pag-unlad ay hindi lang nasa laki ng sahod, kundi sa kakayahang lumikha ng sariling kabuhayan. At sa usaping ito, ang marunong sa lupa ay hindi lang basta umaangat—sila ang tunay na may matibay na pundasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here