Home OPINION MAGANDANG SIMULA

MAGANDANG SIMULA

68
0

BAGO ang lahat, ipinaaabot natin ang ating sinserong pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan sa pagpanaw ni “Kapatid” Misael “Boy” Gonzales, ang beteranong ‘field reporter’ ng DZRH. Mabuhay ka Kasamang Boy at hanggang sa muli!

***

Inilabas na nitong Linggo at ipinakalat ng PGMN (Peanut Gallery Media Network) ang isang ‘documentary’ hinggil sa naging pamumuno ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa Kongreso bilang ‘House Speaker’ sa 19th Congress at ng kanyang asawa na si Tingog Partylist Rep. Yeddah Romualdez, bilang ‘Chairperson’ ng House Committee on Accounts na ayon kay PGMN anchor CJ Hirro ay ‘The Holy Grail of the Corrupt.’

Nasabi natin sa ating ‘PRANGKAHAN’ program sa FlashTV (tuwing Huwebes, 4:00 pm), na dapat lang lumabas ang nasabing ‘video’ upang mabigyang kredito ang depensa ni PGMN founder Franco Mabanta na ‘set-up’ at hindi ‘entrapment’ ang ginawang paghuli sa kanya ng National Bureau of Investigation sa pangunguna ni Director Atty. Melvin Matibag.

“Dinakma” si Mabanta noong Mayo 5, sa bintang na ‘extortion/blackmail’ umano nito at mga tauhan sa PGMN ng P300 milyon kay Romualdez kapalit nang hindi paglalabas ng video.

Uulitin natin na si Mabanta ay ‘blogger’ at ‘content creator’ ni Pangulong Bongbong Marcos sapul pa noong 2018, Hindi talaga siya mamamahayag.

Isa siyang magaling na propagandista ng kampo ni PBBM kaya marami ang “naguguluhan” kung ang paghuli ba kay Mabanta ay indikasyon na rin ng matinding away ni PBBM at ng kanyang pinsan na si Martin Da Tamba?

“Naglalaglagan” na nga ba sila kung “sino” sa kanila ang dapat “singilin” ng publiko sa garapal at malawakang pandarambong sa pera ng bayan gamit ang kapangyarihan ng Kongreso?

Marami tayong nabasa sa social media na reaksyon sa ‘The Mastermind’ video ng PGMN na ibinida ni CJ Hirro. May pumupuri, may bumabatikos dahil “bitin” daw ang “kwento.”

Paano naman (daw) ang papel ni BBM na ‘final signature’ sa ating badyet?

Totoo, maraming kakulangan ang nasabing video.

Subalit, ang paglabas ng ‘The Mastermind’ video ng PGMN ay maganda na ring panimula tungo sa patuloy na pagmumulat ng mga Pilipino.

Sana, may kasunod pa!

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here