MANILA, Philippines- Nabawasan ang fishery production sa West Philippine Sea (WPS) sa unang bahagi ng taon.
Ito ang makikita sa opisyal data ng gobyerno.
Makikita sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang unang huli sa West Philippine Sea ay bumaba mula sa mahigit na 108,000 metric tons noong unang bahagi ng 2023 sa 101,000 metric tons ngayong taon.
Tanggap naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mas maliit na bilang ng nahuli ng isda, sabay sabing maraming dahilan ng pagkabawas.
“There is data showing na nag decline sa first quarter ‘yung production natin sa West Philippine Sea, pero ‘yung reasons naman nito ay hindi lang nakatuon sa geopolitical situation,” ang sinabi ni Nazer Briguera, tagapagsalita ng BFAR.
“Meron ding ibang rason tulad ng pagtaas ng fuel, pati na itong El Nino na dumaan, na nakaapekto sa mga isda,” ayon pa kay Briguera.
Gayunman, tinukoy ng BFAR na ang suplay ng isda ay sapat para matagununan ang consumption demands ng bansa.
“Hindi lang naman marine ang source, we don’t intend to ignore this,” ani Briguera.
Sa mga nakalipas na taon, ang produksyon mula sa aquaculture ay pumantay sa mga isdang nahuli mula sa open seas.
Nauna rito, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang suplay ng isda sa bansa ay halos maubos at kinumpirma naman ng mga mangingisda sa paligid ng bansa ang bagay na ito.
May ilang mangingisda mula sa Navotas ang nagsabi na naobserbahan nila ang mahalagang pagbabago ng kanilang nahuhuli sa mga nakalipas na taon.
Gayundin ang mga mangingisda mula sa Pag-asa Island ay nahirapan sa pangingisda mula nang itaboy sila ng Chinese vessels mula sa fishing grounds.
Samantala, inihayag ng BFAR na naglunsad ang ahensya ng ilang pagsisikap para resolbahin ang galit ng mga mangingisda.
“Itong pagdagragdag ng floating asset bahagi ng direkyon ng BFAR at far as improving monitoring, control, and surveillance,” ayon kay Briguera. Kris Jose