Home METRO Suspensyon ng 32 Bohol officials sa Chocolate Hills resort kinalos ng Ombudsman

Suspensyon ng 32 Bohol officials sa Chocolate Hills resort kinalos ng Ombudsman

MANILA, Philippines- Kinalos ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension na ipinataw nito laban sa 32 opisyal sa Bohol sa gitna ng imbestigasyon laban sa resort sa loob ng Chocolate Hills protected area.

Sa 25-page consolidated order noong Hulyo 31, inalis na ng Ombudsman ang suspensyon sa limang alkalde, barangay captains, at regional directors ng Department of Agriculture at Philippine National Police.

“In the interest of justice and fair play and consonant to this Office’s previous Consolidated Order dated 31 July 2024, the preventive suspension of the following respondents is hereby lifted,” anito.

Noong Mayo, isinailalim ng Ombudsman si Bohol Governor Erico Aumentado at 68 pang opisyal sa ilalim ng preventive suspension.

Ibinalik sa pwesto si Aumentado noong Agosto. Sinabi niyang napatunayan sa desisyon ng Ombudsman ang kanyang pagiging inosente at napagtibay umano nito ang kanyang committment sa pagsisilbi sa mga taga-Bohol.

Ipinalabas ang Proclamation 1037 ni dating Pangulong Fidel Ramos noong Hulyo 1, 1997, na nagtatalaga sa Chocolate Hills bilang National Geological Monument and Protected Landscape. RNT/SA