Home NATIONWIDE Mas mababang presyo ng bigas sa pagkaltas ng taripa mararamdaman sa Agosto...

Mas mababang presyo ng bigas sa pagkaltas ng taripa mararamdaman sa Agosto – DA

162
0

MANILA, Philippines- Maaaring maramdaman ng publiko ang mas mababang rice retail prices sa susunod ng buwan.

Ito’y bunsod na rin ng pagpasok ng imported rice na may mas mababang taripa.

Sa ipinalabas na Executive Order (EO) 62, nakasaad dito na ang pinababang taripa sa imported rice mula 35% na naging 15% ay ipinatupad noong Hulyo 5.

”August iyan mararamdaman talaga iyong pumasok na siya sa palengke… Nasa P40s level of course, ang prevailing kasi ay P50, P51,” ani Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel De Mesa.

Nauna rito, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang EO 62 ay maaaring makatulong para mabawasan ang rice retail prices ng P6 hanggang P7 kada kilo.

Nito lamang nakaraang Martes, Hulyo 16, ang presyo ng imported regular milled rice sa Kalakhang Maynila ay mula P47/kg hanggang P49/kg, at P51/kg hanggang P55/kg para sa imported well-milled rice.

Samantala, ipinaliwanag ni De Mesa na maaaring maghintay ang mga importers para sa mas mababang taripa bago pa sila mag-apply para sa ‘sanitary and phytosanitary import clearance’ (SPSIC), mayroong 302 na ang naaprubahang aplikasyon para buong buwan ng Hulyo.

Sa kabilang dako, tinatayang 35,594 metric tons (MT) ng imported rice ang dumating noong Hulyo 11, mas mababa kaysa sa 156,000 MT imported sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.

”Iyong January, February, March, April, May of this year, ang average niyan is 400,000 metric tons,bumaba lang siya ng June kasi may mga ganitong usapin,” aniya pa rin.

Sa ngayon, nakapagtala ang DA ng kabuuang 2.37 million MT ng imported rice sa bansa. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here