Home METRO Top 1 MWP sa Pateros tiklo habang nagre-renew ng lisensya

Top 1 MWP sa Pateros tiklo habang nagre-renew ng lisensya

129
0

MANILA, Philippines- Nadakip ng Pateros Municipal police ang Top 1 most wanted person (MWP) habang nagre-renew ito ng kanyang lisensya sa pagmamaneho nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 19.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang inarestong suspek na si alyas Randel, 36, ang top 1 MWP sa ikalawang quarter ng taong kasalukuyan.

Base sa report ng Pateros Municipal police, naganap ang pagdakip sa suspek ng mga miyembro ng Pateros police Sub-station 2 dakong alas-10 ng umaga sa Land Transportation Office (LTO) Pateros Extension, M. Almeda St., Brgy. San Roque, Pateros.

Naisakatuparan ang pag-aresto kay alyas Randel, na nahaharap sa mga kasong rape at acts of lasciviousness, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Hulyo 19, 2023 ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Joy N. Casihan-Dumlao ng Branch 262.

Sa kinahaharap na kasong acts of lasciviousness ng suspek sa ilalim ng Criminal Case Number 162018-PAT ay mayroon itong rekomendasyon ng piyansa na nagkakahalaga ng ₱180,000 habang ang kasong rape na nasa ilalim ng Case Number 162019-PAT ay walang rekomendasyong piyansa.

Si alyas Randel ay kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pateros MPS habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa paglipat ng kanyang pagkukulungan sa Pateros Municipal jail. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here