Home NATIONWIDE Mas mababang singil sa kuryente ngayong Hunyo, inanunsyo ng Meralco

Mas mababang singil sa kuryente ngayong Hunyo, inanunsyo ng Meralco

MAS MABABANG SINGIL SA KURYENTE NGAYONG HUNYO. Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang P1.9623 kada kWh na bawas-singil sa kuryente ngayong Hunyo imbis na P0.6436 kada kWh na dagdag-singil kasunod ng bagong utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na utay-utayin ang koleksyon ng mga bayarin mula sa WESM. Para sa mga pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P392 na bawas-singil sa kanilang kabuuang bill.

Nag-abiso si Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga sa mga customer na asahan ang mas mataas na generation charge sa susunod na tatlong buwan bunsod ng utos ng ERC.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Meralco website (www.meralco.com.ph) o ang mga opisyal na social media account ng Meralco sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X
(@meralco).