Home NATIONWIDE Mas madalas na ops vs mga sasakyan na overloading ipatutupad ng LTO

Mas madalas na ops vs mga sasakyan na overloading ipatutupad ng LTO

211
0

INIUTOS ni Land Transportation Office (LTO) chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza ll sa lahat ng opisina ng LTO na palakasin ang kaligtasan sa trapiko sa pamamagitan ng madalas at random na anti-overloading operations.

Sa isang pahayag, sinabi ni Mendoza na dapat paigtingin ang mga operasyon laban sa mga trak gayundin sa mga pampublikong sasakyan, hindi lamang sa Metro Manila at urban areas kundi maging sa mga probinsya.

“Patuloy naman ang implementasyon nito ngunit lalo pa nating pai-igtingin ito dahil nakakagawa ng paraan ang kanilang motorista para iwasan ito. Hindi na ito uubra ngayon,” sabi ni Mendoza.

Kaugnay nito upang matiyak ang pagsunod, inutusan niya ang lahat ng LTO regional directors na magsumite ng regular na ulat ng kanilang mga operasyon sa kani-kanilang area of responsibility.

Samantala noong Miyerkules, pinangunahan niya ang anti-overloading operation sa Quezon City na nag-flag ng 45 sasakyan sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue at C5 ng pinagsamang tauhan ng LTO at Department of Public Works and Highways.

Sa mga sasakyang na-flag down, 13 ang nakitang overloaded at nabigyan ng citation ticket. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here