Home NATIONWIDE Mas mahigpit na pagbabantay sa badyet vs korapsyon, hirit ni Gatchalian

Mas mahigpit na pagbabantay sa badyet vs korapsyon, hirit ni Gatchalian

205
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian ng mas pinaigting na pagbabantay sa lahat ng proyekto ng pamahalaanbi saka binigyang-diin nahindi nagtatapos ang laban kontra corruption sa pagkakaapruba sa pambansang badyet.

“Nagkasundo na kami sa mga numero, ngunit kailangang magpatuloy ang mahigpit na pagbabantay mula sa pagba-budget hanggang sa implementasyon ng proyekto kung talagang nais nating sugpuin ang korapsyon sa burukrasya,” pahayag ni Gatchalian kasunod ng ulat ng Bicameral Conference Committee hinggil sa panukalang pambansang budget para sa 2026.

Naghihintay na lamang ang panukala ng ratipikasyon mula sa parehong kapulungan ng Kongreso bago ito isumite sa Pangulo.

Ayon sa senador, bagama’t may mga safeguard provision na isinama sa General Appropriations Bill, dapat patuloy ang masusing pagbabantay.

“Sa masusing pagbabantay nabubuo ang kultura ng integridad at pananagutan. Masusi naming ipinatupad ang mga hakbang sa transparency sa buong proseso ng pagba-budget. Umaasa kami na ang mga hakbang na ito ay makatutulong upang mahikayat ang publio na makibahagi sa implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan,” aniya.

Dagdag pa ni Gatchalian, sa mga proyektong pang-imprastruktura sa ilalim ng Departmentm of Public Works and Highways, tiniyak ng Senado na ang bawat item ng proyekto ay may natatanging station number at malinaw na paglalarawan, kasama na ang coordinates, upang mapadali ang pampublikong pagmamanman at maiwasan ang mga ghost at substandard na proyekto. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here